Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Hallel

Hallel

Isang awit ng papuri kay Jehova. “Ehipsiyong Hallel” ang tawag ng mga akdang Judio sa Mga Awit 113 hanggang 118. Ayon sa Mishnah, ang Hallel na ito ay inaawit sa templo at sa mga sinagoga kapag panahon ng Paskuwa (Pesahim 10:5-7) at ng mga kapistahan ng Pentecostes, mga Kubol, at Pag-aalay (Sukkah 4:8; Taʽanit 4:5). Sa pagdiriwang ng Paskuwa sa mga tahanan, ang unang bahagi ng Hallel na ito (alinman sa Awit 113 [ayon sa Kaisipang Shammai] o Mga Awit 113 at 114 [Kaisipang Hillel]) ay binibigkas matapos maibuhos ang ikalawang kopa ng alak at maipaliwanag ang kahulugan ng Paskuwa. Tinatapos ang Hallel sa ikaapat na kopa ng alak. Sinasabing ang “Dakilang Hallel” (na itinuturing ng iba bilang ang Awit 136 lamang, para sa iba naman ay ang Mga Awit 120-136, o ang Awit 135:4–136:26) ay inaawit sa maliligayang okasyon at niyaong mga gumagamit ng ikalimang kopa ng alak sa pagdiriwang ng Paskuwa.