Halohes
[Ang Engkantador; Ang Bumubulong].
1. Ama ni Salum. Ang anak ni Halohes na si Salum ay “isang prinsipe ng kalahati ng distrito ng Jerusalem” na nagkumpuni sa pader ng Jerusalem, kasama ng mga anak na babae nito, noong 455 B.C.E.—Ne 3:12.
2. Isa sa mga pangulo ng bayan na ang inapo, kung hindi man siya mismo, ay nagpatotoo sa kontrata ng pagtatapat na binuo noong mga araw ni Nehemias; posibleng siya rin ang Blg. 1.—Ne 9:38; 10:1, 14, 24.