Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Hammat

Hammat

1. “Ama” ng sambahayan ni Recab at ninuno ng ilang Kenita.​—1Cr 2:55.

2. [Dako ng Mainit (na Bukal)]. Isang nakukutaang lunsod ng Neptali. (Jos 19:32, 35) Karaniwang ipinapalagay na ito ang Hammam Tabariyeh (Hame Teveriya), na nasa T lamang ng Tiberias sa K panig ng Dagat ng Galilea. Lumilitaw na ang bukal doon na may asupre ang pinanggalingan ng pangalang Hammat. Kung ang Hamot-dor (Jos 21:32) at Hammon (1Cr 6:76) ay mga pangalan din ng lugar na ito, gaya ng paniwala ng karamihan sa mga iskolar, ang Hammat ay nagsilbi ring isang lunsod ng mga Levita.