Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Hammon

Hammon

[nangangahulugang “Dako ng Mainit (na Bukal)”].

1. Isang lunsod sa hangganan ng Aser. (Jos 19:24-28) Karaniwang ipinapalagay na ito ang Umm el ʽAwamid, na nasa baybaying dagat ng Mediteraneo, mga 16 na km (10 mi) sa TTK ng Tiro.

2. Isang lugar sa teritoryo ng Neptali na ibinigay sa mga Levita. (1Cr 6:71, 76) Lumilitaw na ito rin ang Hammat.​—Jos 19:35; tingnan ang HAMMAT Blg. 2.