Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Hanan

Hanan

[Nagpapakita ng Lingap; Magandang-loob].

1. Isa sa “mga anak ni Sasak”; isang Benjamita.​—1Cr 8:1, 23-25.

2. Anak ni Maaca; isa sa makapangyarihang mga lalaki ng mga hukbong militar ni David.​—1Cr 11:26, 43.

3. Isa sa anim na anak ni Azel; isang inapo ni Haring Saul.​—1Cr 8:33-38; 9:44.

4. Anak ni Igdalias, “isang lalaki ng tunay na Diyos.” Sa silid-kainan ng mga anak ni Hanan sinubok ng propetang si Jeremias ang pagkamasunurin ng mga Recabita sa utos ng kanilang ninunong si Jehonadab na huwag uminom ng alak.​—Jer 35:3-6.

5. Ulo ng isang pamilya ng mga Netineong alipin sa templo, na ang mga miyembro ay bumalik mula sa Babilonya kasama ni Zerubabel noong 537 B.C.E.​—Ezr 2:1, 2, 43, 46; Ne 7:46, 49.

6. Isa sa mga Levita na tumulong kay Ezra sa pagpapaliwanag ng Kautusan sa kongregasyon ng Israel na nagkatipon sa liwasan sa tapat ng Pintuang-daan ng Tubig ng Jerusalem. (Ne 8:1, 7) Maaaring siya rin ang Blg. 7 o Blg. 10.

7. Isang Levita na ang inapo, kung hindi man siya mismo, ay nagpatotoo sa pamamagitan ng tatak sa “mapagkakatiwalaang kaayusan” na itinatag noong panahon ng pagkagobernador ni Nehemias. (Ne 9:38; 10:1, 9, 10) Kung si Hanan mismo ang nagtatak ng kasunduang ito, maaaring siya rin ang Blg. 6 o Blg. 10.

8, 9. Dalawang “ulo ng bayan” na ang mga inapo, kung hindi man sila mismo, ay nagpatotoo sa kontrata ng pagtatapat noong panahon ng pagkagobernador ni Nehemias.​—Ne 9:38; 10:1, 14, 22, 26.

10. Anak ni Zacur; isang tapat na Levitang inatasan ni Nehemias na mamahagi ng kaukulang bahagi sa mga Levita, sa ilalim ng pangangasiwa nina Selemias, Zadok, at Pedaias. (Ne 13:13) Maaaring siya rin ang Blg. 6 o Blg. 7.