Hanaton
[posibleng mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “magpakita ng lingap; magmagandang-loob”].
Isang lunsod ng Zebulon sa hangganan nito. (Jos 19:10, 14) Ipinapalagay ng karamihan sa mga iskolar na ito ang Tell el-Bedeiwiyeh (Tel Hannaton), na mga 10 km (6 na mi) sa HHK ng Nazaret. Ang Hanaton ay lumilitaw sa mga rekord ng Asiryanong si Haring Tiglat-pileser III at gayundin sa Amarna Tablets.