Hanun
[Siya ay Nagpakita ng Lingap; Siya ay Nagmagandang-loob].
1. Anak at kahalili sa trono ni Nahas na hari ng Ammon. Dahil sa maibiging-kabaitang ipinakita ni Nahas kay David, nagsugo ito ng mga mensahero upang aliwin si Hanun sa pagkamatay ng kaniyang ama. Ngunit, palibhasa’y nakumbinsi ng kaniyang mga prinsipe na ito ay isa lamang mapanlinlang na pakana ni David upang matiktikan ang lunsod, winalang-dangal ni Hanun ang mga lingkod ni David sa pamamagitan ng pag-ahit sa kalahati ng kanilang mga balbas at pagputol sa kanilang mga kasuutan hanggang sa kanilang mga pigi at pagkatapos ay pinaalis sila. Nang makita ng mga anak ni Ammon na naging mabaho sila kay David dahil sa pagpapahiya nila sa kaniyang mga mensahero, nagkusa si Hanun na maghanda sa pakikidigma at inupahan ang mga Siryano upang makipaglaban sa Israel. Sa sumunod na mga labanan, lubusang natalo ng Israel ang mga Ammonita at mga Siryano; ipinasailalim ni David sa puwersahang pagtatrabaho ang nakaligtas na mga Ammonita ng Raba.—2Sa 10:1–11:1; 12:26-31; 1Cr 19:1–20:3.
2. Isa na, kasama ng mga tumatahan sa Zanoa, nagkumpuni ng Pintuang-daan ng Libis at bahagi ng pader ng Jerusalem.—Ne 3:13.
3. Ang “ikaanim na anak ni Zalap”; nagkumpuni siya sa pader ng Jerusalem.—Ne 3:30.