Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Hara

Hara

Isang lugar na pinagdalhan ng Asiryanong si Haring Tilgat-pilneser (Tiglat-pileser III) sa mga bihag na Israelita. (1Cr 5:26) Sa katulad na mga pagtukoy (2Ha 17:6; 18:11) sa isang mas huling pagkatapon sa Asirya, binanggit na ang mga Israelita ay dinala sa “mga lunsod ng mga Medo” (tekstong Masoretiko) o “mga bundok ng mga Medo.” (LXX) Iniisip ng maraming iskolar na maaaring ang salin ng Septuagint ang tama. Iminumungkahi nila na sa 1 Cronica 5:26, ang “Hara” (Ha·raʼʹ, marahil anyong Aramaiko ng salitang Hebreo para sa “bundok” [har]) ay naging pangalang pantangi nang di-sinasadyang maalis ang pariralang “ng mga Medo.” Kung tama ang palagay na ito, ang “Hara” ay maaaring ikinapit sa “mga bundok ng mga Medo” sa S ng libis ng Ilog Tigris. Gayunman, itinuturing ng ilan na ang Gozan ng 2 Hari 17:6 at 18:11 ay isang lugar (gaya ng nasa JB, RS) at hindi isang ilog at naniniwala silang ang “Hara” ay posibleng isang lokal na katawagan noon para sa isang bulubunduking rehiyon sa Turkey.