Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Harmon

Harmon

Hindi matiyak kung ano ang tinutukoy ng terminong Hebreo na ang transliterasyon ay “Harmon.” (Am 4:3, AS, NW, RS) Isinalin ito ng ilang bersiyon gamit ang lubhang magkakaibang mga pananalita gaya ng “bunton ng basura” (AT) at “palasyo” (KJ). Kung ang salin ng Griegong Septuagint (“ang bundok ng Remman”) ay mas malapit sa orihinal na tekstong Hebreo, marahil ang “Harmon” ay tumutukoy sa “malaking bato ng Rimon.”​—Huk 20:45, 47.