Hasenaa
[posible, Ang (Isa na) Kinapopootan].
Ang “mga anak ni Hasenaa” ang muling nagtayo ng Pintuang-daan ng mga Isda noong panahong kinukumpuni ang mga pader ng Jerusalem sa ilalim ng pangangasiwa ni Nehemias. (Ne 3:3) Maaaring ang Hasenaa ay kapareho rin ng Senaa, na walang Hebreong pamanggit na pantukoy.—Ezr 2:35; Ne 7:38; tingnan ang SENAA.