Hasum
Ulo ng angkan ng isang pamilya ng mga Israelita, na ang mga miyembro ay bumalik mula sa Babilonya kasama ni Zerubabel noong 537 B.C.E. (Ezr 2:1, 2, 19; Ne 7:22) Pagdating ni Ezra sa Jerusalem noong 468 B.C.E., pitong lalaki na mula sa “mga anak ni Hasum” ang nagpaalis sa kanilang mga asawang banyaga. (Ezr 10:33, 44) Ang kinatawan ng pamilya o isa na may pangalang Hasum ay tumayo sa kaliwa ni Ezra habang binabasa nito ang aklat ng Kautusan sa mga Israelitang nagkakatipon sa liwasan sa harap ng Pintuang-daan ng Tubig ng Jerusalem. (Ne 8:1-4) Ang isang kinatawan ng sambahayan ni Hasum ay nagpatotoo rin sa pamamagitan ng tatak sa “mapagkakatiwalaang kaayusan” na itinatag noong panahon ng pagkagobernador ni Nehemias.—Ne 9:38; 10:1, 14, 18.