Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Hatus

Hatus

1. Isang pangulong saserdote na bumalik mula sa Babilonya kasama ni Zerubabel noong 537 B.C.E.​—Ne 12:1, 2, 7.

2. Anak ni Semaias; isang inapo ni David sa pamamagitan ni Solomon.​—1Cr 3:1, 10, 22.

3. Ang ulo ng sambahayan sa panig ng ama ng mga anak ni David na bumalik kasama ni Ezra sa Jerusalem noong 468 B.C.E. (Ezr 8:1, 2) Posibleng siya rin ang Blg. 2.

4. Anak ni Hasabneias; isa na nakibahagi sa pagkukumpuni ng pader ng Jerusalem noong mga araw ni Nehemias.​—Ne 3:10.

5. Isang saserdote o ang ninuno ng isang saserdote na nagpatotoo, noong panahon ng pagkagobernador ni Nehemias, sa pamamagitan ng tatak sa kontrata ng pagtatapat.​—Ne 9:38; 10:1, 4, 8.