Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Hazar-enan, Hazar-enon

Hazar-enan, Hazar-enon

[Looban (Pamayanan) ng Bukal].

Isang lugar sa hilagaang hangganan ng “lupain ng Canaan.” (Bil 34:2, 7-10) Ang Hazar-enon (Hazar-enan) ay binanggit ni Ezekiel, kasama ang Damasco at Hamat, sa kaniyang pangitain hinggil sa teritoryo ng Israel. (Eze 47:13, 17; 48:1) Sa ngayon ay hindi tiyakang matukoy ang lugar na ito. Gayunman, ipinapalagay ng karamihan sa mga iskolar na ito’y nasa Qaryatein, mga 120 km (75 mi) sa HS ng Damasco sa daang patungo sa Palmyra.