Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

He

He

[ה].

Ang ikalimang titik sa alpabetong Hebreo. Kapag binibigkas, ang he ay may paimpit na tunog na nasa pagitan ng mas malambot na alep at ng mas magaralgal na ket. Sa gayon ito ay karaniwan nang katumbas ng Ingles na “h” at kahawig ng tunog ng “h” sa salitang Ingles na “behind.” Sa Hebreo, lumilitaw ito sa pasimula ng bawat talata ng Awit 119:33-40. Ang anyo ng mga titik na he [ה] at ket [ח] ay magkahawig na magkahawig.​—Tingnan ang HEBREO, II.