Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Heber

Heber

[Kasosyo].

1. Anak ni Berias at apo ni Aser; ulo ng angkan ng mga Heberita.​—Gen 46:17; Bil 26:45; 1Cr 7:30-32.

2. Ang Kenitang asawa ni Jael (ang babaing pumatay sa pinuno ng hukbo ni Jabin na si Sisera) at isang inapo ni Hobab, “na ang manugang ay si Moises.” Maliwanag na si Heber ay humiwalay mula sa iba pang mga Kenita at may pakikipagpayapaan kay Jabin na hari ng Hazor.​—Huk 4:11, 17, 21; 5:24.

3. Isang lalaki na mula sa tribo ni Juda at “ama ni Soco.”​—1Cr 4:1, 18.

4. Inapo ni Elpaal; ulo ng isang sambahayan sa panig ng ama na mula sa tribo ni Benjamin.​—1Cr 8:1, 17, 18, 28.