Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Helba

Helba

Isang lunsod sa teritoryo ng tribo ni Aser. Binanggit ito bilang isa sa mga bayan kung saan hindi pinalayas ng tribo ni Aser ang mga naninirahang Canaanita. (Huk 1:31, 32) Itinuturing ng ilang iskolar na ito rin ang Alab. Ipinapalagay nila na ito ay ang Khirbet el-Mahalib, na mga 6 na km (3.5 mi) sa HS ng Tiro. Gayunman, hindi tiyak kung saan ang eksaktong lokasyon nito.