Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Helbon

Helbon

Isang lugar na kilalá sa mainam na alak nito na labis na pinahahalagahan ng lunsod ng Tiro. (Eze 27:18) Karaniwang ipinapalagay na ang Helbon ay ang makabagong nayon ng Halbun, na mga 20 km (12 mi) sa HHK ng Damasco. Ang nayon na ito ay nasa isang makitid na libis na may hagdan-hagdang mga ubasan sa matataas na dalisdis ng bundok. Noong sinaunang mga panahon, hindi lamang Tiro ang kumukuha ng alak ng Helbon kundi pati ang Asirya, Babilonia, at Persia.