Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Heldai

Heldai

[posible, Dagang Lupa].

1. Ang ulo ng ika-12 pangkat na naglilingkod nang buwanan na inorganisa ni David; isang inapo ni Otniel. (1Cr 27:1, 15) Bilang isang Netopatita, malamang na siya ang makapangyarihang lalaki na tinatawag na Heleb at Heled na anak ni Baanah na Netopatita.​—2Sa 23:8, 29; 1Cr 11:26, 30.

2. Isang lalaki na bumalik mula sa Babilonya na ang pilak at ginto ay ginamit sa paggawa ng korona para sa mataas na saserdoteng si Josue. (Zac 6:10, 11) Ang Heldai na ito ay tinatawag na Helem sa talata 14.