Helem
1. [sa Heb., Heʹlem]. Isang inapo ni Aser na ang pamilya ay nakatala sa talaangkanan ng tribong iyon. (1Cr 7:35, 40) Malamang na siya rin ang Hotam ng talata 32.
2. [sa Heb., Cheʹlem]. Tinawag ding Heldai, isa siya sa mga nag-abuloy ng ginto at pilak para sa korona ng mataas na saserdoteng si Josue pagkabalik ng mga nalabi mula sa Babilonya.—Zac 6:10, 11, 14.