Helez
[Siya ay Sumagip].
1. Isa sa makapangyarihang mga lalaki ni David, isang Paltita o Pelonita. (2Sa 23:8, 26; 1Cr 11:26, 27) Nang organisahin ni David ang mga pangkat na naglilingkod nang buwanan, si Helez ang pinangasiwa sa ikapitong pangkat.—1Cr 27:1, 10.
2. Isang inapo ni Juda; anak ng isang Azarias at ama ni Eleasa.—1Cr 2:3, 39.