Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Heli

Heli

[mula sa Heb., nangangahulugang “Mataas (Dinakila)”].

Maliwanag na ama ni Maria at lolo ni Jesu-Kristo sa panig ng ina. (Luc 3:23) Ang pagtawag kay Jose bilang “anak ni Heli” ay ipinapalagay na nangangahulugang siya ay manugang ni Heli. Bagaman hindi itinala si Maria, maliwanag na tinatalunton ni Lucas ang likas na pinagmulang angkan ng ina ni Jesus na si Maria mula kay David.​—Luc 3:31; tingnan ang TALAANGKANAN NI JESU-KRISTO.