Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Hena

Hena

Isang lunsod o rehiyon na nakatalang kasama ng Separvaim at Iva. Nilupig ito ng mga Asiryano. (2Ha 18:34; 19:13; Isa 37:13) Sa Griegong Septuagint, ang ginamit para rito ay A·na, na pangalan ng isang bayan sa gitnang bahagi ng Ilog Eufrates. Gayunman, itinuturing ng ilang iskolar na ang Hena, pati ang Separvaim at Iva, ay mas malamang na nasa Sirya.