Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Henadad

Henadad

Isang Levita na ang mga inapo ay lumilitaw na naglingkod bilang mga tagapangasiwa may kaugnayan sa muling pagtatayo ni Zerubabel ng templo. (Ezr 3:8, 9) Dalawa sa mga inapo ni Henadad ang espesipikong tinutukoy na nakibahagi sa pagkukumpuni ng pader ng Jerusalem, at isa sa kaniyang mga inapo ang nagpatotoo sa pamamagitan ng tatak sa kontrata ng pagtatapat na ginawa noong panahon ng pagkagobernador ni Nehemias.​—Ne 3:17, 18, 24; 9:38; 10:1, 9.