Henna
[sa Heb., koʹpher].
Isang palumpong na sa mga dulo ng mga sanga nito ay nagsisibol ng mga kumpol ng maliliit na bulaklak na kulay-krema at apat ang talulot; ang matapang na bango ng mga ito ay gustung-gusto ng mga tao sa Gitnang Silangan. Kadalasan, isang munting sanga ng henna ang isinasama sa mga pumpon, at inilalagay ito ng mga babae sa kanilang buhok at sa kanilang dibdib. Mula pa noong sinaunang mga panahon, ginagamit na rin ang henna bilang isang kosmetik.
Ang palumpong na ito (Lawsonia inermis), na tumutubo pa rin nang ligáw sa Palestina, ay umaabot sa sukdulang taas na mga 4 na m (13 piye). Sa Awit ni Solomon (1:14; 4:13; 7:11) lamang ito binabanggit.
Ang pamahid na henna, na gawa mula sa pinulbos na mga dahon ng halamang ito, ay ginagamit bilang kosmetik. Kapag ang bahaging pinahiran nito ay binanlawan, naiiwan ang mantsa nito, na karaniwa’y kulay-kahel o mamula-mula. Noon pa man ay ginagamit na ang henna bilang pantina sa mga Gen 6:14.
kuko ng mga daliri ng kamay at paa, mga dulo ng mga daliri, mga kamay, mga paa, balbas, buhok, at maging sa kilíng at buntot ng mga kabayo, gayundin sa balat at katad. Ang salitang-ugat na Hebreo kung saan ipinapalagay na hinalaw ang koʹpher ay binibigyang-katuturan bilang “takip,” anupat waring nagpapahiwatig ng gamit nito bilang pantina.—Ihambing ang