Heper
[1-3: Siya ay Naghanap]
1. Isang anak ni Gilead at apo sa tuhod ni Manases; ninuno ng mga Heperita. (Bil 26:29, 30, 32; 27:1) Si Heper ang ama ni Zelopehad, na nakilala sa hindi pagkakaroon ng mga anak na lalaki kundi limang anak na babae na ang kaso ay nagtakda ng legal na saligan sa pag-aasikaso sa mga minanang pag-aari kapag walang supling na lalaki.—Bil 26:33; 27:1-11; Jos 17:2, 3.
2. Isang inapo ni Juda; anak ni Ashur sa asawa nitong si Naara.—1Cr 4:1, 5, 6.
3. Isang Mekeratita; isa sa namumukod-tanging mga mandirigma ni David.—1Cr 11:26, 36.
4. [Paghuhukay [samakatuwid nga, ng balon]]. Lumilitaw na kapuwa isang lunsod at isang distrito sa K ng Jordan. Ang hari ng Canaanitang lunsod ng Heper ay kabilang sa mga natalo ni Josue. (Jos 12:7, 8, 17) Noong panahon ni Solomon, ang distrito ng Heper, gayundin ang Socoh, ay nasasakupan ng isang inatasang kinatawan. (1Ha 4:7, 10) Hindi malaman nang tiyak ang eksaktong lokasyon ng sinaunang Heper. Iminumungkahi ng ilan na iugnay ito sa Tell el-Ifshar (Tel Hefer), na mga 40 km (25 mi) sa HHS ng Tel Aviv-Yafo.