Herboa
[sa Heb., ʽakh·barʹ].
Ipinapalagay ng maraming iskolar na ang salitang Hebreo na ʽakh·barʹ, isinalin sa iba’t ibang paraan bilang “daga,” “herboa,” at “lumuluksong daga,” ay posibleng sumasaklaw sa lahat ng uri ng daga, bubuwit, at kauring mga hayop gaya ng herboa. Gayunman, “herboa” ang kahulugang ibinigay ng isang Hebreo at Aramaikong leksikon nina Koehler at Baumgartner sa terminong Hebreo na ito.
Ang herboa ay isang lumuluksong daga na kahawig ng isang maliit na kanggaru at makikita pa rin sa tigang na mga lugar sa Gitnang Silangan. Ang haba ng katawan ng desert jerboa (Jaculus jaculus) ay mula 10 hanggang 15 sentimetro (4-6 na pulgada) at tumitimbang ito nang 50 hanggang 70 g (1.8-2.5 onsa). Malalaki ang kanilang mga tainga at mga mata. Maiikli ang mga binti nito sa unahan, ngunit ang dalawang binti nito sa hulihan ay mga dalawang-katlo ng kabuuang haba ng ulo at katawan. Ang buntot ang pinakamahabang bahagi ng hayop na ito at ang pinakadulo niyaon ay mukhang maliit na brutsa. Ang hayop na ito na aktibo sa gabi ay naglalagi sa mga disyertong lupain, anupat nagpapalipas ng mainit na maghapon sa lungga nito sa ilalim ng lupa ngunit lumalabas sa gabi kung kailan mas malamig para maghanap ng makakain.
Bagaman kinakain ito ng mga Arabeng nakatira sa disyerto ng Sirya, ayon sa kautusan, ang herboa Lev 11:29) Ngunit waring ipinagwalang-bahala ng mga apostatang Israelita ang pagbabawal na ito ng Kautusan.—Isa 66:17, tlb sa Rbi8.
ay marumi sa mga Israelita. (Ang mga herboa ay mapaminsala sa mga butil at iba pang pananim. Noong ang sagradong Kaban ay nasa teritoryo ng mga Filisteo, nasalanta ang lupain dahil sa salot ng mga herboa na pinasapit ng Diyos.—1Sa 6:4, 5, 11, 18.
[Larawan sa pahina 967]
Ang herboa ay kahawig ng isang maliit na kanggaru