Heres
[Araw].
1. Isang bundok (sa Heb., har). Patuloy na nanirahan dito ang mga Amorita kahit noong malupig na ng Israel ang Canaan. Iniuugnay ito sa teritoryo ng tribo ni Dan. (Huk 1:34, 35) Itinuturing ng karamihan sa mga iskolar na ito ang Ir-semes (maliwanag na ang Bet-semes din na nasa hangganan ng Juda at Dan) na binanggit sa Josue 19:41.—Tingnan ang BET-SEMES Blg. 1.
2. Si Gideon ay bumalik mula sa pakikipagdigma laban sa mga Midianita sa pamamagitan ng “daanang paahon sa Heres.” Maliban sa pagtukoy ng Bibliya sa Hukom 8:13, hindi alam kung saan matatagpuan ang lugar na ito. Dahil dito, iminumungkahi ng ilang iskolar na maaaring ang orihinal na mababasa sa tekstong Hebreo ay “bago sumikat ang araw [ha·cheʹres],” o “mula sa itaas ng mga bundok,” sa halip na “daanang paahon sa Heres.”