Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Hezir

Hezir

[Baboy; Baboy-ramo].

1. Ang saserdote na ang sambahayan sa panig ng ama ay napili sa pamamagitan ng palabunutan para sa ika-17 sa 24 na pangkat ng makasaserdoteng paglilingkod na inorganisa noong pagtatapos ng paghahari ni David.​—1Cr 24:1, 3, 5-7, 15.

2. Isa sa “mga ulo ng bayan” na ang inapo, kung hindi man siya mismo, ay sumuporta noong panahon ni Nehemias sa resolusyon na maging tapat kay Jehova.​—Ne 9:38; 10:1, 14, 20.