Hiel
[pinaikling anyo ng Ahiel, nangangahulugang “Ang Aking Kapatid ay Diyos; Kapatid ng Diyos”].
Isang taga-Bethel na muling nagtayo ng Jerico sa panahon ng paghahari ni Ahab noong ikasampung siglo B.C.E. Bilang katuparan ng sumpa na binigkas ni Josue nang wasakin ang Jerico mahigit na 500 taon ang kaagahan, inilatag ni Hiel ang pundasyon ng lunsod sa pagkamatay ni Abiram na kaniyang panganay at inilagay ang mga pinto nito sa pagkamatay ni Segub na kaniyang bunsong anak.—Jos 6:26; 1Ha 16:33, 34.