Hin
Isang panukat ng likido (Exo 30:24; Bil 28:14; Eze 45:24; 46:5, 7, 11); ginagamit din may kaugnayan sa lalagyang para sa pagsukat ng hin. (Lev 19:36) Ayon sa Judiong istoryador na si Josephus, ang hin ay katumbas ng dalawang chous ng Atenas; ang bat ay katumbas ng 72 sextarius. (Jewish Antiquities, III, 197 [viii, 3]; VIII, 57 [ii, 9]) Yamang ipinahihiwatig ng ibang mga impormasyon na ang dalawang chous ng Atenas ay katumbas ng 12 sextarius, ang hin ay maaaring tuusin na isang kanim ng isang takal na bat o mga 3.67 L (7.75 pt).
Ang Kasulatan ay bumabanggit din ng mga bahagi ng isang hin: kalahati, isang katlo, isang kapat, at isang kanim; ang huling nabanggit ay ang ipinahintulot na araw-araw na rasyon ng tubig para kay Ezekiel noong inilalarawan ang malubhang kalagayan na sasapit sa Jerusalem sa ilalim ng pagkubkob.—Exo 29:40; Lev 23:13; Bil 15:4-7, 9, 10; 28:5, 7; Eze 4:11; 46:14.