Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Hodavias

Hodavias

1. Isa sa pitong anak ni Elioenai, isang inapo ni Haring Solomon.​—1Cr 3:10, 24.

2. Isa sa pitong ulo sa panig ng ama ng kalahati ng tribo ni Manases.​—1Cr 5:23, 24.

3. Isang Benjamita; “anak ni Hasenua” at ama, o ninuno, ni Mesulam.​—1Cr 9:7.

4. Isang Levitang ulo ng pamilya, na ang 74 sa “mga anak” (mga inapo) ay bumalik mula sa Babilonya noong 537 B.C.E. at ang ilan sa mga ito, kung hindi man lahat, ay naglingkod bilang mga tagapangasiwa may kaugnayan sa muling pagtatayo ng templo. (Ezr 2:1, 2, 40; 3:9) Si Hodavias ay tinatawag na Juda sa Ezra 3:9 at Hodeva sa Nehemias 7:43.