Holon
[Dako ng Buhangin].
1. Isang lunsod sa bulubunduking pook ng Juda. Nakaatas ito sa makasaserdoteng mga Kohatita (Jos 15:21, 48, 51; 21:9-19) at lumilitaw na tinatawag na Hilen sa 1 Cronica 6:58. Ipinapalagay na ang Holon ng Juda ay ang Khirbet ʽIllin (Horvat ʽIllit), na mga 17 km (11 mi) sa HHK ng Hebron.
2. Isang Moabitang lunsod ng talampas, o “kapatagan,” sa S ng Jordan. Binanggit ito kasama ng iba pang mga lunsod sa isang kapahayagan laban sa Moab. (Jer 48:21) Hindi alam kung saan ang eksaktong lokasyon nito sa ngayon.