Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Hopni

Hopni

[mula sa Ehipsiyo, nangangahulugang “Butete”].

Isa sa mga anak ng mataas na saserdoteng si Eli. Si Hopni at ang kaniyang kapatid na si Pinehas ay “mga walang-kabuluhang lalaki,” na nagkasala ng kawalang-galang sa mga bagay na sagrado at ng malubhang imoralidad. (1Sa 1:3; 2:12-17, 22-25) Dahil sa kawalang-katapatan ni Hopni habang naglilingkod bilang saserdote sa santuwaryo ni Jehova, hinatulan siya ni Jehova ng kamatayan, na sumapit sa kaniya noong panahong mabihag ng mga Filisteo ang sagradong Kaban.​—1Sa 2:34; 4:4, 11, 17; tingnan ang PINEHAS Blg. 2.