Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Hor-hagidgad

Hor-hagidgad

Isang lugar na pinagkampuhan ng mga Israelita sa ilang. Gaya ng tinalakay sa ilalim ng pamagat na BENE-JAAKAN, waring ipinahihiwatig ng paghahambing ng Bilang 33:31-33 sa Deuteronomio 10:6, 7 na makalawang ulit na dumaan sa rehiyong ito ang mga Israelita, anupat ang Hor-hagidgad ay tinawag na “Gudgoda” sa mas huling paglalakbay. (Tingnan ang GUDGODA.) Hindi matukoy nang may katiyakan kung saan ang eksaktong lokasyon nito. Gayunman, walang-katiyakang iniuugnay ng karamihan sa mga iskolar ang Hor-hagidgad (Gudgoda) sa isang lugar sa Wadi Khadakhid, na mga 65 km (40 mi) sa HHK ng Gulpo ng ʽAqaba.