Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Horonita

Horonita

[Ng (Mula sa) Bet-horon o Horonaim].

Katawagang ikinapit kay Sanbalat. Isa siya sa mga lalaking sumalansang sa gawain ni Nehemias. (Ne 2:10, 19) Ipinapalagay ng ilang iskolar na maaaring si Sanbalat ay mula sa Moabitang lunsod ng Horonaim. (Isa 15:5; Jer 48:3) Upang suportahan ito, itinatawag-pansin nila na si Sanbalat ay binanggit kasama ni Tobia na Ammonita at ni Gesem na Arabe. Ngunit ang pangmalas na karaniwang pinapaboran ay na ang “Horonita” ay malamang na nangangahulugang isang katutubo ng, o naninirahan sa, Bet-horon. Ang Mataas at Mababang Bet-horon ay parehong nasa teritoryo na orihinal na nakaatas sa Efraim.​—Jos 16:1, 3, 5.