Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Hosa

Hosa

1. Isang Meraritang bantay ng pintuang-daan para sa tolda na pinaglagyan ni David ng kaban ng tipan. (1Cr 16:1, 37, 38) Siya at ang kaniyang mga anak ang bumuo sa isang pangkat ng mga bantay ng pintuang-daan na naatasan sa Pintuang-daan ng Saleket sa K ng santuwaryo.​—1Cr 26:10-19.

2. Isang lunsod sa Aser at lumilitaw na malapit sa Tiro, ngunit wala nang ibang pagkakakilanlan maliban dito.​—Jos 19:24, 29, 30.