Hukom
1. [sa Ingles, judge]. Ang mga lalaking ibinangon ni Jehova upang iligtas ang kaniyang bayan, bago ang panahon ng mga taong hari ng Israel, ay tinawag na mga hukom. (Huk 2:16) Si Moises, bilang tagapamagitan ng tipang Kautusan at lider na inatasan ng Diyos, ay naghukom sa Israel nang 40 taon. Ngunit ang yugto ng mga Hukom, ayon sa karaniwang pangmalas, ay nagsimula kay Otniel, ilang panahon pagkamatay ni Josue, at umabot hanggang kay Samuel na propeta. Si Samuel ay karaniwan nang hindi ibinibilang na isa sa mga Hukom. Samakatuwid, ang yugto ng mga Hukom ay mga 300 taon.—Huk 2:16; Gaw 13:20.
Ang mga hukom ay pinili at inatasan ni Jehova mula sa iba’t ibang tribo ng Israel. Sa pagitan nina Josue at Samuel ay may binabanggit na 12 hukom (hindi kabilang si Debora), gaya ng sumusunod:
Hukom
Tribo Hukom Tribo
Otniel
Juda
Ehud
Benjamin
Samgar
(?)
Barak
Neptali (?)
Gideon
Manases
Tola
Isacar
Jair
Manases
Jepte
Manases
Ibzan
Zebulon (?)
Elon
Zebulon
Abdon
Efraim
Samson
Dan
Ang eksaktong lugar na nasasakupan ng bawat isa sa mga hukom at ang mga yugto ng kanilang paghuhukom ay hindi matiyak. Ang ilan ay maaaring naghukom nang magkakasabay sa iba’t ibang dako ng Israel, at nagkaroon din noon ng mga yugto ng paniniil.—Tingnan ang MAPA, Tomo 1, p. 743; ARAW NG PAGHUHUKOM; HUKUMAN; gayundin ang mga hukom ng Israel sa ilalim ng kani-kanilang pangalan.
2. [sa Ingles, justices]. Mga taong may pananagutang magpasiya sa mga usapin sa batas. Sa Job 31:11, 28, ang pariralang “dapat asikasuhin ng mga hukom” ay ginagamit bilang pang-uri upang ilarawan ang mga kamalian na kailangang hatulan. Kaya naman sa mga talatang ito, ang An American Translation ay kababasahan ng “isang karumal-dumal na kasalanan” (tal 11) at “isang karumal-dumal na krimen” (tal 28), sa halip na “kamalian na dapat asikasuhin ng mga hukom.” Ang “kamalian” na tinatalakay sa talata 11 ay pangangalunya (tal 9, 10), isang krimen na noong panahon ni Job ay maaaring hinahatulan ng matatandang lalaki sa may pintuang-daan ng lunsod. (Ihambing ang Job 29:7.) Ngunit ang “kamalian” sa talata 28 ay may kinalaman sa materyalismo at lihim na idolatriya (tal 24-27), mga kamalian sa isip at puso na hindi mapatutunayan sa pamamagitan ng bibig ng mga saksi. Dahil dito, walang taong hukom ang may kakayahang tumiyak kung ang isa ay nagkasala ng mga ito. Gayunman, lumilitaw na kinilala ni Job na kayang hatulan ng Diyos ang gayong mga kamalian at na maselan ang mga ito anupat dapat lamang Niyang hatulan.