Hupim
Isang anak, o inapo, ni Benjamin na kabilang sa talaan ng mga pumaroon sa Ehipto kasama ng sambahayan ni Jacob noong 1728 B.C.E. o ipinanganak doon samantalang buháy pa si Jacob. (Gen 46:8, 21) Ipinahihiwatig ng ibang mga talata na alinman sa siya ay apo o apo sa tuhod sa pamamagitan ni Bela at ni Iri. (1Cr 7:6, 7, 12; sa 8:1-5 ay lumilitaw na tinatawag siyang Huram.) Halos hindi ipahihintulot ng panahon na si Benjamin ay mayroon nang mga apo nang pumasok siya sa Ehipto, ngunit maaaring unawain na ipinakikita ng Genesis 46:8 na ang lahat ng mga kaluluwang ito ay ipinanganak habang buháy pa si Jacob sa Ehipto, anupat hindi nangangahulugan na ipinanganak na nga ang mga ito bago siya at ang kaniyang sambahayan ay pumaroon. (Tingnan ang BENJAMIN Blg. 1.) Ang pamilya na nagmula kay Hupim (tinatawag ding Hupam), tinatawag na mga Hupamita, ay kabilang sa tribo ni Benjamin noong ikalawang sensus sa mga Israelita sa ilang. (Bil 26:1-4, 38, 39) Binabanggit din si Hupim sa 1 Cronica 7:14, 15 kasama ni Manases, ngunit hindi malinaw kung ano ang kaugnayan ng mga ito.