Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Husa

Husa

Alinman sa isang “anak” ni Ezer na mula sa tribo ni Juda o isang lunsod na si Ezer ang naging “ama” o “nagtatag.” (1Cr 4:1, 4) Kung ang Husa ay tumutukoy sa isang lunsod, malamang na iyon ang tahanan ng isa sa makapangyarihang mga lalaki ni David, si Sibecai, na marahil ay tinawag ding Mebunai. (1Cr 27:11; ihambing ang 2Sa 23:27; 1Cr 11:29.) Itinuturing ng ilan ang Husa bilang pangalan ng isang lunsod at iniuugnay ito sa Husan, mga 6 na km (3.5 mi) sa K ng Betlehem.