Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Ibzan

Ibzan

Ang humalili kay Jepte bilang hukom ng Israel. Si Ibzan ay ama ng 30 anak na lalaki at 30 anak na babae, na nagpapahiwatig na isa siyang poligamo at isa ring taong maykaya sa buhay. Kumuha siya ng 30 anak na babae bilang mga asawa para sa kaniyang mga anak na lalaki. Pagkatapos maghukom nang pitong taon, si Ibzan ay namatay at inilibing sa kaniyang tinubuang lunsod ng Betlehem, malamang na ang Betlehem sa Zebulon.​—Huk 12:7-10; Jos 19:10, 14, 15; tingnan ang BETLEHEM Blg. 2.