Ido
[1-5: pinaikling anyo ng Adaias, nangangahulugang “Ginayakan ni Jehova [ang nagtataglay ng pangalan]”].
1. Anak ni Joa; isang Levita na mula sa pamilya ni Gersom.—1Cr 6:19-21.
2. Ama ni Ahinadab, ang nagsilbing kinatawan sa pagkain ni Solomon sa Mahanaim.—1Ha 4:7, 14.
3. Isang tagapangitain na ang mga isinulat ay sinangguni ng tagapagtipon ng Mga Cronica para sa impormasyon may kinalaman sa mga haring sina Solomon, Rehoboam, at Abias. Ang mga isinulat ni Ido ay tinutukoy bilang isang “paghahayag,” isang 2Cr 9:29; 12:15; 13:22, tlb sa Rbi8.
“komentaryo,” o isang “midrash.”—4. Ama ni Berekias at lolo ng propetang si Zacarias. (Ezr 5:1; 6:14; Zac 1:1, 7) Maaaring ang Ido ring ito ang Blg. 5.
5. Isang saserdote na nakatalang kabilang sa mga bumalik sa Jerusalem kasama ni Zerubabel noong 537 B.C.E. Noong mga araw ng mataas na saserdoteng si Joiakim, ang ulo ng sambahayan ni Ido sa panig ng ama ay si Zacarias. (Ne 12:1, 4, 12, 16) Maaaring siya rin ang Blg. 4.
6. [posibleng mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “purihin”; o mula sa ibang salitang-ugat na nangangahulugang “alamin”]. Anak ng isang Zacarias; prinsipe ng kalahati ng tribo ni Manases sa Gilead noong panahon ni Haring David.—1Cr 27:21, 22.
7. Ulo ng mga Netineong alipin sa templo na naninirahan sa Casipia, na ang 220 sa kanila ay sumama kay Ezra patungong Jerusalem noong 468 B.C.E.—Ezr 8:17, 20.