Ijon
Isa sa mga lugar na kinuha ng mga hukbong militar ni Haring Ben-hadad I ng Sirya noong panahon ng paghahari ni Baasa. (1Ha 15:20, 21; 2Cr 16:4) Pagkaraan ng halos dalawang siglo, nilupig ng Asiryanong si Haring Tiglat-pileser III ang Ijon at ipinatapon ang mga nakatira rito. (2Ha 15:29) Karaniwan nang ipinapalagay na ang Ijon ay ang Tell ed-Dibbin na mga 15 km (9 na mi) sa HHK ng Dan.