Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Imer

Imer

1. Isang inapo ni Aaron na itinalagang ulo ng ika-16 na pangkat ng mga saserdote noong panahon ni David. (1Cr 24:1, 6, 14) Lumilitaw na 1,052 sa kaniyang mga inapo ang bumalik kasama ni Zerubabel mula sa Babilonya noong 537 B.C.E. (Ezr 2:37; Ne 7:40) Dalawa sa “mga anak ni Imer” ang kabilang sa mga nagpaalis sa kanilang mga asawang banyaga noong panahon ni Ezra.​—Ezr 10:20, 44.

2. Ama ni Mesilemit (o Mesilemot); posibleng siya rin ang Blg. 1.​—1Cr 9:12; Ne 11:13.

3. Ama ng saserdoteng si Pasur, isa na sumalansang kay Jeremias at nag-utos na ilagay ang propeta sa mga pangawan. Inihula ni Jeremias na si Pasur at ang buong sambahayan nito ay dadalhin sa Babilonya. (Jer 20:1, 2, 6) Kung ang katawagang “anak ni Imer” ay uunawaing tumutukoy sa isang inapo sa halip na isang tunay na anak, maaaring ang Imer na ito ang Blg. 1.

4. Ama ni Zadok, isa na nakibahagi sa pagkukumpuni ng pader ng Jerusalem. (Ne 3:29) Gayunman, ang Imer na ito ay maaaring ang Blg. 1 rin, kung ang katawagang “anak ni Imer” ay ituturing na nangangahulugang isang inapo.

5. Waring isang lugar sa Babilonia na mula roon ay bumalik ang ilang saserdote na hindi nakapagpatunay ng kanilang talaangkanan.​—Ezr 2:59; Ne 7:61.