Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Iscariote

Iscariote

[mula sa Heb., posible, Lalaki Mula sa Keriot].

Ang katawagan para sa traidor na apostol na si Hudas (at sa kaniyang amang si Simon) para ipakita ang kaibahan niya sa isa pang apostol na nagngangalan ding Hudas. (Mat 10:4; Luc 6:16; Ju 6:71) Kung ang “Iscariote” ay nangangahulugang “Lalaki Mula sa Keriot,” gaya ng ipinapalagay ng karamihan, malamang na ipinakikita nito na si Simon at ang anak nito ay nagmula sa Judeanong bayan ng Keriot-hezron.​—Jos 15:25; tingnan ang HUDAS Blg. 4.