Isi
[pinaikling anyo ng Isaias, nangangahulugang “Pagliligtas ni Jehova”].
1. Isang inapo ni Juda; anak ni Apaim at ama ni Sesan.—1Cr 2:3, 31.
2. Isa pang inapo ni Juda.—1Cr 4:1, 20.
3. Isang lider at ulo ng pamilya ng kalahati ng tribo ni Manases na nanirahan sa S ng Jordan.—1Cr 5:23, 24.
4. Isang Simeonita na ang apat na anak ay iniulat sa Mga Cronica na nanguna sa 500 tungo sa tagumpay laban sa mga Amalekitang naninirahan sa Bundok Seir.—1Cr 4:42, 43.