Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Ismaias

Ismaias

[Marinig (Pakinggan) Nawa ni Jehova; Narinig (Pinakinggan) ni Jehova].

1. Isang namumukod-tanging Gibeonitang mandirigma na sumama sa hukbo ni David sa Ziklag bago namatay si Saul. (1Cr 12:1, 4) Sa unang talaan na ito ng ‘tatlumpung’ nangungunang mandirigma ni David, si Ismaias ang tinatawag na kanilang ulo, ngunit ang hindi pagkakatala ng kaniyang pangalan sa mas huling mga talaan ay nagpapahiwatig na maaaring namatay na siya.​—2Sa 23:8, 18, 19; 1Cr 11:10, 11, 20, 21.

2. Ang prinsipe sa tribo ni Zebulon noong panahon ni David; anak ni Obadias.​—1Cr 27:19, 22.