Isva
[posibleng nangangahulugang “Pinantay; Pinatag”].
Ang ikalawa sa apat na anak ni Aser. (Gen 46:17; 1Cr 7:30) Yamang hindi siya nakatala sa mga pamilya ni Aser, posible na hindi siya nagkaroon ng mga anak na lalaki o na ang kaniyang linya ng angkan ay naglaho di-kalaunan.—Bil 26:44.