Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Iturea

Iturea

Isang maliit na teritoryo na may paiba-iba at di-malinaw na mga hangganan at nasa HS ng Dagat ng Galilea.

Ipinapalagay na ang pangalang Iturea ay hinalaw sa anak ni Ismael na si Jetur, na ang mga inapong naninirahan sa S ng Jordan ay tinalo ng mga Israelita. (Gen 25:15, 16; 1Cr 1:31; 5:18-23) Sa pagtatapos ng ikalawang siglo B.C.E., ang Macabeong hari na si Aristobulo I ay matagumpay na nakipagdigma laban sa Iturea at idinagdag niya ang malaking bahagi ng teritoryo nito sa Judea. Upang makapanatili sa lupain, ang mga tumatahan sa Iturea ay kinailangang magpatuli at sumunod sa kautusang Judio. (Jewish Antiquities, XIII, 318 [xi, 3]) Nang maglaon, ang Iturea ay isa sa mga teritoryo na bumuo sa tetrarkiya ni Felipe, na minana mula sa kaniyang ama na si Herodes na Dakila.​—Luc 3:1.