Iye-abarim
[Mga Guho ng Mga Tawiran; Mga Guho ng Lupaing Hanggahan (Mga Pook sa Kabilang Ibayo)].
Isa sa mga kampamento ng Israel sa ilang. Hindi tiyak kung saan ang eksaktong lokasyon nito, ngunit maliwanag na ito’y nasa timugang hanggahan ng Moab at malapit sa agusang libis ng Zered. (Bil 21:11, 12; 33:44) Marahil ang Iye-abarim ang pinakatimugang dako ng rehiyon ng Abarim. (Bil 33:47, 48; tingnan ang ABARIM.) Iminumungkahi ni Yohanan Aharoni na ito ay ang el-Medeiyineh sa tawiran ng Brook Zered, mga 60 km (37 mi) sa T ng Dibon-gad, ang sumunod na kampamentong itinala.—The Land of the Bible, 1979, p. 202, 436.