Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Izhar

Izhar

Dalawang pangalan, na magkahawig ang baybay sa Hebreo, ang isinalin nang magkapareho sa Tagalog.

1. Yits·harʹ. Ang ikalawa sa nakatalang apat na anak ni Kohat; samakatuwid ay isang apo ni Levi. (Exo 6:16, 18; Bil 3:17, 19; 1Cr 6:2, 18) Ang isa sa tatlong anak ni Izhar, si Kora, ay pinuksa sa ilang dahil sa paghihimagsik.​—Exo 6:21; Bil 16:1, 32.

Si Izhar ang pinagmulan ng Levitang pamilya ng mga Izharita. (Bil 3:27) Sa ilalim ni Haring David, ang ilan sa mga Izharita, na ang pangulo ay si Selomit, ay inatasan bilang mga mang-aawit, mga opisyal, at mga hukom, samantalang ang iba naman ay nagsagawa ng karaniwang Levitikong mga tungkulin.​—1Cr 6:31-38; 23:12, 18; 24:20-22; 26:23, 29; tingnan ang AMINADAB Blg. 2.

2. Yits·charʹ (kaayon ng Vg). Isang inapo ni Juda; anak nina Ashur at Hela. (1Cr 4:1, 5, 7) Sa panggilid ng tekstong Masoretiko ang pangalang ito ay binabaybay na Zohar.